Showing posts with label noynoy aquino. Show all posts
Showing posts with label noynoy aquino. Show all posts

Thursday, October 7, 2010

President Noynoy Aquino First 100 days speech

Message
of
His Excellency Benigno S. Aquino III
President of the Philippines
On The First Hundred Days of his Administration
[October 7, 2010, La Consolacion College, Manila]
Maraming salamat po, maupo po ho tayong lahat.
Vice President Jejomar Binay, members of the Cabinet, our host led by Sister Imelda, honored guests, fellow workers in government, mga minamahal ko pong kababayan, magandang umaga po sa inyong lahat.
Ang basehan po ng demokrasya ay mayroon po tayong mga politiko na naglalahad ng kanilang plataporma. Ang nanalo po ay obligadong ipatupad ang platapormang ipinangako.
Isandaang araw po ang nakalipas, nagpanata ako sa taumbayan: Hindi ko tatalikuran ang tiwalang kaloob ninyo sa akin. Ang nakalipas na isandaang araw ang magsisilbing tanda ng ating pong paninindigan.
Malalim at malawak po ang mga problemang minana natin. Nag-ugat ito sa isang gobyernong parang tatlong matsing na nagbingi-bingihan, nagbulag-bulagan, at gumawa ng sariling katotohanan.
Mali po ito. Ngayon, mayroon na po kayong gobyernong handang makipag-usap at magsabi ng totoo; handang makinig sa makabuluhang usapan; handang iangat ang antas ng pampublikong diskurso ukol sa mga isyung makaaapekto sa ating lahat, at maging sa mga darating na henerasyon.
Ang natamasa po natin ngayong unang isandaang araw ng ating panunungkulan: Mayroon na po kayong gobyernong hindi kayo binabalewala o inaapi.
Bumalik na po ang kumpyansa sa ating bansa. Tumatatag ang ating ekonomiya, at dahil dito, lumalago ang kaban ng ating bayan. Ang lahat ng inani at aanihin pa natin mula sa pinatibay na ekonomiya ng ating bansa, ibinabalik naman natin sa taumbayan upang tuluyan na tayong makaahon sa kahirapan. Binibigyan natin ng katuturan ang paggastos. Walang pisong dapat nasasayang.
Halimbawa po ang mga itinalagang opisyal sa mga GOCC. Naroon po dapat sila para pangalagaan ang interes ng taumbayan. Noon pong nakaupo sila doon, nilabag nila ang Memorandum Order 20, na pinirmahan noon pang Hunyo 2001. Inatupag po nila ang sariling interes na nagdulot ng pinsala sa interes ng taumbayan: nakakuha sila ng kung anu-anong mga bonus at allowance.
Ipinatutupad naman po natin ang Executive Order No. 7 na nagsususpinde sa lahat ng pribilehiyong iyon. Idiniin lamang po natin ang dapat naipatupad pa noong 2001. Sa isang kumpanya lang po tulad ng MWSS, ang napigil nating mahulog sa bulsa ng bawat opisyal ay umaabot na sa dalawa’t kalahating milyong piso kada taon. Siyam po ang miyembro ng Board nila, at sa MWSS lamang po iyan. At ilan po ang mga GOCCs, GFIs, at mga ahensyang sakop ng EO No. 7? Isandaan, dalawampu’t dalawa (122) mga ahensya at kumpanya.
Nariyan din po ang nangyayari sa mga kontrata tulad sa NAIA 3. Isipin lang po natin, tatlong administrasyon na ang dinaanan nito. Pang-apat na kami. Tumagal na po nang husto ang kasong ito, may mga pinaslang pa dahil dito. Kundi dahil sa mga tapat na nagmamahal sa bansa tulad nina Justice Florentino Feliciano at Justice Meilou Sereno, baka wala na ring pinatunguhan ang kasong ito. Sila po ang mga tunay na bida sa kaso, ngunit death threats pa po ang ibinayad sa kanila. Tila ba nagkulang sa aruga ang nakaraang gobyerno. Ngayon pong alam nilang suportado sila ng mga kapwa nila nasa tuwid na landas, naresolba na po nila  ang kontrata. Kung natalo po ang gobyerno natin rito, 990 million dollars ang nalagas sa ating mga pondo. 43.5 bilyong piso ang perang nailigtas nila at natin. Higit pa rito, mapapakinabangan na natin ang airport sa lalong madaling panahon.
Kung naaalala po ninyo, pinahinto natin itong negotiated contracts ng DPWH; pinarebid natin ito. Ginawa lang po natin kung ano ang tama, napigil na po natin ang paglustay ng 934.1 million pesos, at lumalabas na kung susunod tayo sa tamang proseso ay nasa 600 million pesos lang ang dapat gastusin sa mga proyektong ito. Nabalik po ang pera sa kaban ng bayan na kung pinahintulutan natin ang maling sistema ay natapon na naman sanang muli. Hindi lang po sa mga kalsada: sa DOTC, pinigil natin ang pagwaldas ng isang bilyong piso. Sa Department of Agriculture, 30 million at least ang natipid sa isang proyekto lang na bibili tayo ng spectrometer na gusto sanang doblehin ang presyo.
Doon po sa Department of National Defense, ang dinefend po ang pag-purchase ng mga helicopter na tila overspecified para paburan ang isang kumpanya lang. Sinisiyat ito. Itinabi na muna natin. Ang gastos na 3.6 billion ay hindi pa po nangyari.
Lahat po iyan naibalik natin sa kaban ng bayan.
Mayroon pa po. May proyektong inaprubahan ang dating administrasyon, huhukayin daw nila ang Laguna de Bay para palalimin ito. Ang sabi raw dadami ang isda. Mas makakaiwas daw sa baha. Mas madali daw makakaikot ang mga bangka at mga ferry service. Tatanggalin din ang pollutants doon sa Laguna de Bay. Ang tanong ko, saan ililipat ang lupang hinukay? Ang tatanggalin sa Laguna de Bay ay itatambak lang din pala sa ibang bahagi ng Laguna de Bay. At magkano naman po ang uutangin ng gobyerno para sa prebilihiyong ito? Konti lang daw po : 18.5 billion pesos lang naman po. At pareho rin ang kuwento: Tila hindi na naman dumaan sa tamang proseso ang pag-aapruba sa kontrata. Hindi natin dadaanin sa madaliang hokus-pokus ang proyektong ito. Pag-aaralan natin ito nang husto at sisiguraduhing hindi masasayang ang pondong gagamitin para rito.
Idadagdag ko lang po: ito po ay ni-review natin last week. Isipin po ninyo: hanggang ngayon, mayroon pa rin humihirit.
Napansin n’yo po ba, pati ‘yung weather forecasting gumanda? Napansin n’yo po ba na hindi na paulit-ulit ang mga mensahe ng PAGASA? Ngayon po, nakatutok na at mas malaman ang mga weather bulletin natin. Ang dating intermittent rainshowers across the country, ngayon, sasabihin na uulan sa ganitong lugar nang mga ganitong oras, delikadong lumabas para sa mangingisda at iba pa.
Tama po na hindi pa kumpleto ang equipment natin. Pero ngayong nagsimula na po tayong magtrabaho, kakaunti na lang ang kulang na kagamitan. Maling sistema at maling palakad ang nanligaw sa pagtataya ng panahon. Ang mga update dati na dumarating kada anim na oras, kada oras na ngayon kung dumating. Marami po tayong binago sa PAGASA, at kasama na po rito ang bulok na sistema.
Nakita naman po natin ang katakut-takot na problemang minana natin, pero hindi po tayo natinag. Naisaayos at naisasaayos na natin sa loob ng isandaang araw ang hindi nagawa ng dating administrasyon sa loob ng tatlong libo, apat na raan, apatnapu’t walong (3,448) araw.
Hininto na po natin ang pagkatagal-tagal na sistema kung saan itinuloy nang itinuloy ang mga proyekto na walang sumisiyasat kung angkop ba o kung may katuwiran ba ang mga ito. Isinulong po natin ang zero-based budgeting. Ang sabi po namin, isa-isahin natin iyan. Kung hindi po mapatunayang may saysay ka pa, tigil na ang ginugugol ng bansa sa iyo.
Ang mga Agriculture Input Subsidies na lalo lamang nagpapayaman sa mayayaman na habang binalewala ang mga mahihirap; ang mga programa tulad ng Kalayaang Barangay at Kilos-Asenso na hindi naman inilatag nang malinaw kung ano ang prosesong dinaanan, at kung saan napunta ang pera—inilipat po natin ang kanilang mga pondo tungo sa mga programang napatunayan nang makakatulong sa taumbayan.
Humigit-kumulang na 11 bilyong piso pa po ito na magagamit at mapapakinabangan nating lahat.
Sa edukasyon, kalusugan, at pag-ahon sa kahirapan po natin itinutok ang pondong natipid natin. Mula 175 billion pesos, umangat ang budget ng DepEd sa 207.3 billion pesos. Gugugulin po ito upang makabuo ng 13,147 na bagong classroom, at ng sampung libong bagong teaching positions. Sa DoH, umangat mula sa 29.3 billion pesos ang budget papuntang 33.3 billion, upang mapatatag ang unang-una, ang National Health Insurance Program. Sa DSWD, lagpas doble na po ang budget, galing 15.4 billion pesos papuntang 34.3 billion pesos.
Ang punto po natin dito: Walang maiiwan. Hindi po tayo papayag na yayaman ang iilan habang nalulunod sa kahirapan ang karamihan.
Kaya nga po natin pinatatag ang Conditional Cash Transfer Program. Salbabida po ito para sa mga nalulunod nating kababayan upang makapunta na sila sa pampang ng pagkakataon at pag-unlad. Lampas doble po ang bilang ng mga pamilyang matutulungan ng conditional cash transfers, mula isang milyong pamilya sa ngayon, tungo sa kabuuang 2.3 million na pamilya sa 2011.
Patuloy po ang ating tema ng pagbibigay ng lakas sa taumbayan. Dahil na rin po sa panunumbalik ng tiwala sa gobyerno, nabiyayaan ang KALAHI-CIDSS program ng dagdag na 59.1 million dollars—halos tatlong bilyong piso—mula sa World Bank. Sa programa pong ito, dadami pa ang komunidad na magkakaroon ng kuryente, kalsada, at malinis na tubig—mga proyektong ang taumbayan mismo ang nagpaplano at nagpapalakas.
Paulit-ulit po nating ididiin: trabaho ang pangunahing agenda ng ating administrasyon. At marami pong magandang balita ukol dito.
Ang papasok na pera sa ating bansa mula sa mga foreign investors ay aabot sa 2.4 billion dollars, at iyon ay pang-umpisa pa lamang. Direkta po itong magbibigay ng 43,600 na trabaho sa mga Pilipino. Simula pa lamang po iyan: Kung hindi natin sila padadaanin sa butas ng karayom, makukumbinsi pa po silang magnegosyo rito, at madadagdagan pa ang mga trabahong nalikha.
At manganganak pa po ng manganganak ang mga trabahong ito. Halimbawa, sa call center, kailangang panggabi ang trabaho. Kailangang magbukas ng kapihan, ng fastfood, ng mga convenience store. Hindi bababa sa dalawandaang libong bagong trabaho ang malilikha pa—kahit hindi ka marunong mag-computer, may pagkakataon ka sa dagdag na mga trabahong ito.
Trabaho din po ang idudulot ng mga Public-Private Partnerships na patuloy nating isinusulong. Nagtayo na po tayo ng PPP Center, kung saan ang mga gustong makilahok sa pagbabago ay mapapasailalim sa tapat, malinaw, at mabilis na proseso. Mula sa pagpapahaba ng mga LRT Lines, hanggang sa pagpapatayo ng bagong paliparan na tutulong sa turismo, hanggang sa mga eskuwelahan na itatayo sa buong sambayanan, magsisimula na po ang bidding para sa mga ito sa loob ng mga susunod na buwan.
Kinikilala na ng pandaigdigang merkado ang pagtatag ng piso. All-time high po ang ating Gross International Reserves na umabot na sa 52.3 billion dollars noong ika-dalawampu ng Setyembre. Ang dati-rati ay parang imposibleng maabot ng Philippine Stock Exchange Index na 4,000, nalampasan na po. Kahapon lamang po, all-time high na naman ang inabot ng ating Philippine Stock Exchange Index na umabot sa 4,196.73 points. Ipinapakita nito ang kumpiyansa sa ating ekonomiya sa ating mamamayan at sa atin pong pamahalaan. Kabilang na po ang ating PSE sa mga best-performing stock market sa buong Asya. At habang lumalakas ang piso at lumalago ang ekonomiya, steady lang naman po ang mga presyo ng ating mga bilihin. Handang-handa na po tayo talaga sa pag-unlad.
Lahat po ito nagawa natin dahil nakasandal ang gobyerno sa inyong tiwala. At umaapaw na rin po ang tiwalang iyan sa buong daigdig.
Dalawang ulit na pong nag-apply ang Pilipinas para sa Millenium Challenge Corporation Grant. Sa unang tatlong buwan lang po ng administrasyon natin napaaprubahan ito. Ang sa kanila lamang po, aminado silang hindi natin maiwawasto agad ang lahat ng problema, pero naniniwala silang patungo na tayo roon. Sabi nila, gusto namin kayong matulungan para maabot ang inyong mga pinapangarap, heto ang 430 million dollars.
Ididiin ko lang po: dalawang beses nag-apply, ni-reject sa loob nang hindi bababa sa siyam na taon, tayo po sa tatlong buwan, inaprubahan.
Pati po ang mga international organization tulad ng OECD, tinanggal na tayo sa listahan ng mga bansang kumukupkop ng mga tax evader. Maaari na tayong makakuha ng impormasyon na makakatulong sa paghuhuli sa mga tax evader na isinasagawa ng BIR.
Dahil na rin po sa panibagong tiwalang nangingibabaw sa pamahalaan, dumadami ang mga tumutulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tip tungkol sa katiwalian. Sumasaksi sila sa maling pangyayari, para makatulong sa ating paghahabol ng demanda. Halimbawa, sa bagong-tayo na Pera ng Bayan website, isa-isa nang lumilitaw ang mga taong makatutulong sa atin upang tugisin ang mga smuggler at tax evader.
Ibinabalik ng mga hakbang na ito ang kumpiyansa ng daigdig sa Pilipinas. Nagkakaisa nang muli ang ating lipunan, at ang nanatili na lang na parang sirang-plaka na paulit-ulit ang reklamo ay ang mga gustong manumbalik sa poder upang ituloy ang kanilang ligaya na nagmumula sa ating pagkakaapi.
Sila na nga ang nagdulot sa atin ng mga problemang pinapasan natin ngayon, sila pa ang may ganang bumanat nang bumanat sa atin. Papansinin ba ninyo sila? Magpapalinlang ba kayong muli?
Hindi po kami nagbibiro sa pagtahak sa tuwid na landas. Kayong mga mali ang palakad at pinipinsala ang mga kababayan natin, ginagarantiya ko sa inyo: may taning kayong lahat.
Ito pong mga problemang pinangako nating solusyonan, tatlong buwan pa lang nakikita na ninyong nabubuo ang solusyon. At ang inyong tiwala po ang pundasyon ng lahat ng ating naabot sa loob lamang nitong tatlong buwan ng ating panunungkulan.
Mula pa noong kampanya, ibinato na po sa atin ang lahat ng puwedeng ibato sa loob at labas ng Revised Penal Code. Pati po ang buhok ko ginawa nilang isyu. Palagay ko ho dahil siguro binata pa tayo, hindi na tayo binigyan ng honeymoon. Payag po si Sister Imelda diyan. Gusto talaga tayong gibain ng mga taong nais mapanatili ang lumang sistema, kung saan para silang mga dambuhalang buwayang nagpapakasasa sa kaban ng bayan.
Binabatikos lang naman po tayo dahil may iilan na naghahanap ng paraan para magpatuloy ang siklo ng mali. Alam din naman po nila ang tama, hindi pa nila maatim gawin. Mayroon po talagang mga nag-aambisyon na makabalik sa poder, nag-aambisyon na panatilihin ang sistemang sila lang ang nakikinabang, mga kapit-tuko sa puwesto na nakikinabang sa lumang sistema—mga taong gusto lamang ituloy ang kanilang ligaya, habang binabalewala naman ang sakripisyo ng taumbayan.
At tayo naman po: tuloy na tuloy ang laban. Hindi po tayo titigil.
Kung mayroon po tayong pagkukulang, ito marahil ay ang hindi nating naging kaugalian na ipamalita ang mga tagumpay na atin pong nakamit. Mas binigyan nating halaga ang paghahanap ng mga paraan na makatutulong sa ating mga kababayan. Kitang-kita naman po ng taumbayan ang resulta ng ating pagtatrabaho. Talagang nakagagalak ng puso itong satisfaction rating na seventy one percent. Natural po, sa inyo ang tagumpay na ito—sa bawat Pilipinong nagtitiwala at nakikilahok sa ating agenda ng pagbabago.
Ang patuloy ko pong panata: Hindi tayo titigil. Habang dumarami tayo sa tuwid na landas, dumadali naman po ang tungkulin nating itama ang mali.
Hinding-hindi po tayo titigil sa tuwid na landas. Unti-unti na pong natutupad ang ating mga pangarap.
Maraming salamat po. Magandang umaga sa lahat.

source : gov.ph

Thursday, September 16, 2010

The Inaugural Address of Benigno S. Aquino III (english)

His Excellency Jose Ramos Horta, Former President Fidel V. Ramos, Former President Joseph Estrada, Senate President Juan Ponce Enrile and members of the Senate, House Speaker Prospero Nograles and members of the House, justices of the Supreme Court, members of the foreign delegations,Your Excellencies of the diplomatic corps, fellow colleagues in government, aking mga kababayan.
My presence here today is proof that you are my true strength. I never expected that I will be here taking my oath of office before you, as your president. I never imagined that I would be tasked with continuing the mission of my parents. I never entertained the ambition to be the symbol of hope, and to inherit the problems of our nation.
I had a simple goal in life: to be true to my parents and our country as an honorable son, a caring brother,
and a good citizen.
My father offered his life so our democracy could live. My mother devoted her life to nurturing that democracy. I will dedicate my life to making our democracy reach its fullest potential: that of ensuring equality for all. My family has sacrificed much and I am willing to do this again if necessary.
Although I was born to famous parents, I know and feel the problems of ordinary citizens. We all know what it is like to have a government that plays deaf and dumb. We know what it is like to be denied justice, to be ignored by those in whom we placed our trust and tasked to become our advocates.
Have you ever been ignored by the very government you helped put in power? I have. Have you had to endure being rudely shoved aside by the siren-blaring escorts of those who love to display their position and power over you? I have, too. Have you experienced exasperation and anger at a government that instead of serving you, needs to be endured by you? So have I.
I am like you. Many of our countrymen have already voted with their feet – migrating to other countries in search of change or tranquility. They have endured hardship, risked their lives because they believe that compared to their current state here, there is more hope for them in another country, no matter how bleak it may be. In moments when I thought of only my own welfare, I also wondered – is it possible that I can find the peace and quiet that I crave in another country? Is our government beyond redemption? Has it been written that the Filipino’s lot is merely to suffer?
Today marks the end of a regime indifferent to the appeals of the people. It is not Noynoy who found a way. You are the reason why the silent suffering of the nation is about to end. This is the beginning of my burden, but if many of us will bear the cross we will lift it, no matter how heavy it is.
Through good governance in the coming years, we will lessen our problems. The destiny of the Filipino will return to its rightful place, and as each year passes, the Filipino’s problems will continue to lessen with the assurance of progress in their lives.
We are here to serve and not to lord over you. The mandate given to me was one of change. I accept your marching orders to transform our government from one that is self-serving to one that works for the welfare of the nation.
This mandate is the social contract that we agreed upon. It is the promise I made during the campaign, which you accepted on election day.
During the campaign we said, “If no one is corrupt, no one will be poor.” That is no mere slogan for posters — it is the defining principle that will serve as the foundation of our administration.
Our foremost duty is to lift the nation from poverty through honest and effective governance.
The first step is to have leaders who are ethical, honest, and true public servants. I will set the example. I will strive to be a good model. I will not break the trust you have placed in me. I will ensure that this, too, will be the advocacy of my Cabinet and those who will join our government.
I do not believe that all of those who serve in our government are corrupt. In truth, the majority of them are honest. They joined government to serve and do good. Starting today, they will have the opportunity to show that they have what it takes. I am counting on them to help fight corruption within the bureaucracy.
To those who have been put in positions by unlawful means, this is my warning: we will begin earning back the trust of our people by reviewing midnight appointments. Let this serve as a warning to those who intend to continue the crooked ways that have become the norm for too long.
To our impoverished countrymen, starting today, your government will be your champion.
We will not disregard the needs of our students. We will begin by addressing the glaring shortage in classrooms and educational facilities.
Gradually, we will lessen the lack of infrastructures for transportation, tourism and trade. From now on, mediocre work will not be good enough when it comes to roads, bridges, and buildings because we will hold contractors responsible for maintaining their projects in good condition.
We will revive the emergency employment program established by former President Corazon Aquino. This will provide jobs for local communities and will help in the development of their and our economy.
We will not be the cause of your suffering or hardship. We will strengthen collections by the Bureau of Internal Revenue and we will fight corruption in the Bureau of Customs in order to fund our objectives for the public welfare, such as:
• Quality education, including vocational education, so that those who choose not to attend college or those who cannot afford it can find dignified livelihood;
• Improved public health services such as PhilHealth for all within three years;
• A home for every family, within safe communities.
We will strengthen the armed forces and the police, not to serve the interests of those who want to wield power with impunity, but to give added protection for ordinary folk. The armed forces and the police risk their lives daily so that the nation can live in peace and security. The population has doubled and yet their numbers remain unchanged. It is not right that those who make sacrifices are treated pitifully.
If there was a fertilizer scam in the past, today there will be security for farmers. We will help them with irrigation, extension services, and marketing their products at the best possible prices.
We are directing Secretary Alcala to set up trading centers that will directly link farmers and consumers thereby eliminating middlemen and opportunities for corruption. In this way, funds can be shared by farmers and consumers. We will make our country attractive to investors. We will cut red tape dramatically and implement stable economic policies. We will level the playing field for investors and make government an enabler, not a hindrance to business. This is the only means by which we can provide jobs for our people.
Our goal is to create jobs at home so that there will be no need to look for employment abroad. However, as we work towards that end, I am ordering the DFA, POEA, OWWA, and other relevant agencies to be even more responsive to the needs and welfare of our overseas Filipino workers.
We will strengthen the process of consultation and feedback. We will strive to uphold the constitutional right of citizens to information on matters of public concern.
We relived the spirit of people power during the campaign. Let it take us to good and effective governance. Those who believe in people power put the welfare of others before their own.
I can forgive those who did me wrong but I have no right to forgive those who abused our people.
To those who talk about reconciliation, if they mean that they would like us to simply forget about the wrongs that they have committed in the past, we have this to say: there can be no reconciliation without justice. When we allow crimes to go unpunished, we give consent to their occurring over and over again. Secretary de Lima, you have your marching orders. Begin the process of providing true and complete justice for all.
We are also happy to inform you the acceptance of Chief Justice Hilario Davide of the challenge of strengthening and heading a Truth Commission that will shed light on many unanswered issues that continue to haunt our country.
My government will be sincere in dealing with all the peoples of Mindanao. We are committed to a peaceful and just settlement of conflict, inclusive of the interests of all — may they be Lumads, Bangsamoro or Christian.
We shalI defeat the enemy by wielding the tools of justice, social reform, and equitable governance leading to a better life. With proper governance life will improve for all. When we are all living well, who will want to go back to living under oppression?
If I have all of you by my side, we will be able to build a nation in which there will be equality of opportunity, because each of us fulfilled our duties and responsibilities equally.
After the elections, you proved that it is the people who wield power in this country.
This is what democracy means. It is the foundation of our unity. We campaigned for change. Because of this, the Filipino stands tall once more. We are all part of a nation that can begin to dream again.
To our friends and neighbors around the world, we are ready to take our place as a reliable member of the community of nations, a nation serious about its commitments and which harmonizes its national interests with its international responsibilities.
We will be a predictable and consistent place for investment, a nation where everyone will say, “it all works.”
Today, I am inviting you to pledge to yourselves and to our people. No one shall be left behind.
No more junkets, no more senseless spending. No more turning back on pledges made during the campaign, whether today or in the coming challenges that will confront us over the next six years. No more influence-peddling, no more patronage politics, no more stealing. No more sirens, no more short cuts, no more bribes. It is time for us to work together once more.
We are here today because we stood together and believed in hope. We had no resources to campaign other than our common faith in the inherent goodness of the Filipino.
The people who are behind us dared to dream. Today, the dream starts to become a reality. To those among you who are still undecided about sharing the common burden I have only one question: Are you going to quit now that we have won?
You are the boss so I cannot ignore your orders.

Inaugural speech of President Noynoy Aquino (tagalog)

Inaugural speech of President Noynoy Aquino

His Excellency Jose Ramos Horta, Former President Fidel V. Ramos, Former President Joseph Estrada, Senate President Juan Ponce Enrile and members of the Senate, House Speaker Prospero Nograles and members of the House, justices of the Supreme Court, members of the foreign delegations,Your Excellencies of the diplomatic corps, fellow colleagues in government, aking mga kababayan.
Ang pagtayo ko dito ngayon ay patunay na kayo ang aking tunay na lakas. Hindi ko inakala na darating tayo sa puntong ito, na ako’y manunumpa sa harap ninyo bilang inyong Pangulo. Hindi ko pinangarap maging tagapagtaguyod ng pag-asa at tagapagmana ng mga suliranin ng ating bayan. Ang layunin ko sa buhay ay simple lang: maging tapat sa aking mga magulang at sa bayan bilang isang marangal na anak, mabait na kuya, at mabuting mamamayan. Nilabanan ng aking ama ang diktaturya at ibinuwis niya ang kanyang buhay para tubusin ang ating demokrasya. Inalay ng aking ina ang kanyang buhay upang pangalagaan ang demokrasyang ito. Ilalaan ko ang aking buhay para siguraduhin na ang ating demokrasya ay kapaki-pakinabang sa bawat isa. Namuhunan na kami ng dugo at handang gawin itong muli kung kinakailangan.
Tanyag man ang aking mga magulang at ang kanilang mga nagawa, alam ko rin ang problema ng ordinaryong mamamayan. Alam nating lahat ang pakiramdam na magkaroon ng pamahalaang bulag at bingi. Alam natin ang pakiramdam na mapagkaitan ng hustisya, na mabalewala ng mga taong pinagkatiwalaan at inatasan nating maging ating tagapagtanggol.
Kayo ba ay minsan ring nalimutan ng pamahalaang inyong iniluklok sa puwesto? Ako rin. Kayo ba ay nagtiis na sa trapiko para lamang masingitan ng isang naghahari-hariang de-wangwang sa kalsada? Ako rin. Kayo ba ay sawang-sawa na sa pamahalaang sa halip na magsilbi sa taumbayan ay kailangan pa nila itong pagpasensiyahan at tiisin? Ako rin. Katulad ninyo ako. Marami na sa atin ang bumoto gamit ang kanilang paa – nilisan na nila ang ating bansa sa kanilang paghahanap ng pagbabago at katahimikan. Tiniis nila ang hirap, sinugod ang panganib sa ibang bansa dahil doon may pag-asa kahit kaunti na dito sa atin ay hindi nila nakikita. Sa iilang sandali na sarili ko lang ang aking inaalala, pati ako ay napag-isip din – talaga bang hindi na mababago ang pamamahala natin dito? Hindi kaya nasa ibang bansa ang katahimikang hinahanap ko? Saan ba nakasulat na kailangang puro pagtitiis ang tadhana ng Pilipino?
Ngayon, sa araw na ito – dito magwawakas ang pamumunong manhid sa mga daing ng taumbayan. Hindi si Noynoy ang gumawa ng paraan, kayo ang dahilan kung bakit ngayon, magtatapos na ang pagtitiis ng sambayanan. Ito naman ang umpisa ng kalbaryo ko, ngunit kung marami tayong magpapasan ng krus ay kakayanin natin ito, gaano man kabigat. Sa tulong ng wastong pamamahala sa mga darating na taon, maiibsan din ang marami nating problema. Ang tadhana ng Pilipino ay babalik sa tamang kalagayan, na sa bawat taon pabawas ng pabawas ang problema ng Pinoy na nagsusumikap at may kasiguruhan sila na magiging tuloy-tuloy na ang pagbuti ng kanilang sitwasyon. Kami ay narito para magsilbi at hindi para maghari. Ang mandato ninyo sa amin ay pagbabago – isang malinaw na utos para ayusin ang gobyerno at lipunan mula sa pamahalaang iilan lamang ang nakikinabang tungo sa isang pamahalaang kabutihan ng mamamayan ang pinangangalagaan. Ang mandatong ito ay isa kung saan kayo at ang inyong pangulo ay nagkasundo para sa pagbabago – isang paninindigan na ipinangako ko noong kampanya at tinanggap ninyo noong araw ng halalan.
Sigaw natin noong kampanya: “Kung walang corrupt, walang mahirap.” Hindi lamang ito pang slogan o pang poster – ito ang mga prinsipyong tinatayuan at nagsisilbing batayan ng ating administrasyon.
Ang ating pangunahing tungkulin ay ang magsikap na maiangat ang bansa mula sa kahirapan, sa pamamagitan ng pagpapairal ng katapatan at mabuting pamamalakad sa pamahalaan. Ang unang hakbang ay ang pagkakaroon ng tuwid at tapat na hanay ng mga pinuno. Magsisimula ito sa akin. Sisikapin kong maging isang mabuting ehemplo. Hinding hindi ko sasayangin ang tiwalang ipinagkaloob ninyo sa akin. Sisiguraduhin ko na ganito rin ang adhikain ng aking Gabinete at ng mga magiging kasama sa ating pamahalaan. Naniniwala akong hindi lahat ng nagsisilbi sa gobyerno ay corrupt. Sa katunayan, mas marami sa kanila ay tapat. Pinili nilang maglingkod sa gobyerno upang gumawa ng kabutihan. Ngayon, magkakaroon na sila ng pagkakataong magpakitang-gilas. Inaasahan natin sila sa pagsupil ng korapsyon sa loob mismo ng burukrasya.
Sa mga itinalaga sa paraang labag sa batas, ito ang aking babala: sisimulan natin ang pagbabalik ng tiwala sa pamamagitan ng pag-usisa sa mga “midnight appointments.” Sana ay magsilbi itong babala sa mga nag-iisip na ipagpatuloy ang baluktot na kalakarang nakasanayan na ng marami. Sa mga kapuspalad nating mga kababayan, ngayon, ang pamahalaan ang inyong kampeon. Hindi natin ipagpapaliban ang mga pangangailangan ng ating mga estudyante, kaya’t sisikapin nating punan ang kakulangan sa ating mga silid-aralan. Unti-unti din nating babawasan ang mga kakulangan sa imprastraktura para sa transportasyon, turismo at pangangalakal. Mula ngayon, hindi na puwede ang “puwede na” pagdating sa mga kalye, tulay at gusali dahil magiging responsibilidad ng mga kontratista ang panatilihing nasa mabuting kalagayan ang mga proyekto nila.
Bubuhayin natin ang programang “emergency employment” ng dating pangulong Corazon Aquino sa pagtatayo ng mga bagong imprastraktura na ito. Ito ay magbibigay ng trabaho sa mga local na komunidad at makakatulong sa pagpapalago ng kanila at ng ating ekonomiya. Hindi kami magiging sanhi ng inyong pasakit at perwisyo. Palalakasin natin ang koleksyon at pupuksain natin ang korapsyon sa Kawanihan ng Rentas Internas at Bureau of Customs para mapondohan natin ang ating mga hinahangad para sa lahat, tulad ng:
-dekalidad na edukasyon, kabilang ang edukasyong bokasyonal para makapaghanap ng marangal na trabaho ang hindi makapag-kolehiyo;
- serbisyong pangkalusugan, tulad ng Philhealth para sa lahat sa loob ng tatlong taon;
-tirahan sa loob ng mga ligtas na komunidad.
Palalakasin at palalaguin natin ang bilang ng ating kasundaluhan at kapulisan, hindi para tugunan ang interes ng mga naghahari-harian, ngunit para proteksyunan ang mamamayan. Itinataya nila ang kanilang buhay para mayroong pagkakataon sa katahimikan at kapayapaan sa sambayanan. Dumoble na ang populasyong kanilang binabantayan, nanatili naman sila sa bilang. Hindi tama na ang nagmamalasakit ay kinakawawa. Kung dati ay may fertilizer scam, ngayon ay may kalinga na tunay para sa mga magsasaka. Tutulungan natin sila sa irigasyon, extension services, at sa pagbenta ng kanilang produkto sa pinakamataas na presyong maaari.
Inaatasan natin si papasok na Kalihim Alcala na magtayo ng mga trading centers kung saan diretso na ang magsasaka sa mamimili – lalaktawan natin ang gitna, kasama na ang kotong cop. Sa ganitong paraan, ang dating napupunta sa gitna ay maari nang paghatian ng magsasaka at mamimili. Gagawin nating kaaya-aya sa negosyante ang ating bansa. We will cut red tape dramatically and implement stable economic policies. We will level the playing field for investors and make government an enabler, not a hindrance, to business. Sa ganitong paraan lamang natin mapupunan ang kakulangan ng trabaho para sa ating mga mamamayan. Layunin nating paramihin ang trabaho dito sa ating bansa upang hindi na kailanganin ang mangibang-bansa para makahanap ng trabaho. Ngunit habang ito ay hindi pa natin naaabot, inaatasan ko ang mga kawani ng DFA, POEA, OWWA at iba pang mga kinauukulang ahensiya na mas lalo pang paigtingin ang pagtugon sa mga hinaing at pangangailangan ng ating mga overseas Filipino workers.
Papaigtingin namin ang proseso ng konsultasyon at pag-uulat sa taumbayan. Sisikapin naming isakatuparan ang nakasaad sa ating Konstitusyon na kinikilala ang karapatan ng mamamayan na magkaroon ng kaalaman ukol sa mga pampublikong alintana. Binuhay natin ang diwa ng people power noong kampanya. Ipagpatuloy natin ito tungo sa tuwid at tapat na pamamahala. Ang naniniwala sa people power ay nakatuon sa kapwa at hindi sa sarili. Sa mga nang-api sa akin, kaya ko kayong patawarin, at pinapatawad ko na kayo. Sa mga nang-api sa sambayanan, wala akong karapatan na limutin ang inyong mga kasalanan.
To those who are talking about reconciliation, if they mean that they would like us to simply forget about the wrongs that they have committed in the past, we have this to say: there can be no reconciliation without justice. Sa paglimot ng pagkakasala, sinisigurado mong mauulit muli ang mga pagkakasalang ito. Secretary de Lima, you have your marching orders. Begin the process of providing true and complete justice for all.
Ikinagagalak din naming ibahagi sa inyo ang pagtanggap ni dating Chief Justice Hilario Davide sa hamon ng pagtatatag at pamumuno sa isang Truth Commission na magbibigay linaw sa maraming kahinahinalang isyu na hanggang ngayon ay walang kasagutan at resolusyon. Ang sinumang nagkamali ay kailangang humarap sa hustisya. Hindi maaaring patuloy ang kalakaran ng walang pananagutan at tuloy na pang-aapi. My government will be sincere in dealing with all the peoples of Mindanao. We are committed to a peaceful and just settlement of conflicts, inclusive of the interests of all – may they be Lumads, Bangsamoro or Christian.
We shalI defeat the enemy by wielding the tools of justice, social reform, and equitable governance leading to a better life. Sa tamang pamamahala gaganda ang buhay ng lahat, at sa buhay na maganda, sino pa ang gugustuhing bumalik sa panahon ng pang-aapi? Kung kasama ko kayo, maitataguyod natin ang isang bayan kung saan pantay-pantay ang pagkakataon, dahil pantay-pantay nating ginagampanan ang ating mga pananagutan. Kamakailan lamang, ang bawat isa sa atin ay nanindigan sa presinto. Bumoto tayo ayon sa ating karapatan at konsensiya. Hindi tayo umatras sa tungkulin nating ipaglaban ang karapatang ito.
Pagkatapos ng bilangan, pinatunayan ninyo na ang tao ang tunay na lakas ng bayan. Ito ang kahalagahan ng ating demokrasya. Ito ang pundasyon ng ating pagkakaisa. Nangampanya tayo para sa pagbabago. Dahil dito taas-noo muli ang Pilipino. Tayong lahat ay kabilang sa isang bansa kung saan maaari nang mangarap muli. To our friends and neighbors around the world, we are ready to take our place as a reliable member of the community of nations, a nation serious about its commitments and which harmonizes its national interests with its international responsibilities.
We will be a predictable and consistent place for investment, a nation where everyone will say, “it all works.”
Inaanyayahan ko kayo ngayon na manumpa sa ating mga sarili, sa sambayanan, WALANG MAIIWAN.
Walang pangingibang-bayan at gastusan na walang wastong dahilan. Walang pagtatalikod sa mga salitang binitawan noong kampanya, ngayon at hanggang sa mga susunod pang pagsubok na pagdadaanan sa loob ng anim na taon.
Walang lamangan, walang padrino at walang pagnanakaw. Walang wang-wang, walang counterflow, walang tong. Panahon na upang tayo ay muling magkawang-gawa.
Nandito tayo ngayon dahil sama-sama tayong nanindigan at nagtiwala na may pag-asa.
The people who are behind us dared to dream. Today, the dream starts to become a reality. Sa inyong mga nag-iisip pa kung tutulong kayo sa pagpasan ng ating krus, isa lang ang aking tanong – kung kailan tayo nanalo, saka pa ba kayo susuko? Kayo ang boss ko, kaya’t hindi maaaring hindi ako makinig sa mga utos ninyo. We will design and implement an interaction and feedback mechanism that can effectively respond to the people’s needs and aspirations.
Kayo ang nagdala sa akin sa puntong ito – ang ating mga volunteers – matanda, bata, celebrity, ordinaryong tao, na umikot sa Pilipinas para ikampanya ang pagbabago; ang aking mga kasambahay, na nag-asikaso ng lahat ng aking mga personal na pangangailangan; ang aking pamilya, kaibigan at katrabaho, na dumamay, nag-alaga at nagbigay ng suporta sa akin; ang ating mga abogado, na nagpuyat para bantayan ang ating mga boto at siguraduhing mabibilang ang bawat isa; ang aking mga kapartido at kaalyado na kasama kong nangahas mangarap; at ang milyun-milyong Pilipinong nagkaisa, nagtiwala at hindi nawalan ng pag-asa – nasa inyo ang aking taus-pusong pasasalamat.
Hindi ko makakayang harapin ang aking mga magulang, at kayong mga nagdala sa akin sa yugto ng buhay kong ito, kung hindi ko maisasakatuparan ang aking mga binitawang salita sa araw na ito.
My parents sought nothing less and died for nothing less than democracy, peace and prosperity. I am blessed by this legacy. I shall carry the torch forward.
Layunin ko na sa pagbaba ko sa katungkulan, masasabi ng lahat na malayo na ang narating natin sa pagtahak ng tuwid na landas at mas maganda na ang kinabukasang ipapamana natin sa susunod na henerasyon. Samahan ninyo ako sa pagtatapos ng laban na ito. Tayo na sa tuwid na landas.
Maraming salamat po at mabuhay ang sambayanang Pilipino!

source : http://www.halohalongpinoy.com